Marijuana Na-intercept Ng BOC Sa NAIA

Nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa Central Mail Exchange Center (CMEC) sa Pasay City ang 6 abandonadong parcels na naglalaman ng marijuana kush na aabot sa 2 million pesos ang halaga.
Ayon sa report ng BOC nasa 1,502 gramo ng marijuana kush ang laman ng mga box, at naka-consigned sa isang taga Binan Laguna at Tinglayan Kalinga apayao.

Napagalaman na ang nasabing marijuana ay galing sa Sacramento California USA, kung saan ideneklara bilang mga damit, at ilinagay sa loob ng vacuum.

Nadiskobre ang mga ito sa tulong ng K9 drug sniffing dogs, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Inter-agency Drug Interdiction Task Group (IADITG) at ng Philippine national Police (PNP)- Aviation Security Group (PNP-AVSEGROUP). (froilan morallos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *