Overstaying South Korean National Tiklo Sa Bohol
Inaresto ng Intelligence Division ng Bureau of Immigration (BI), ng Region 7 sa Bohol ang isang South Korean national, bunsod sa paglabag ng Philippine Immigration laws, ayon kay Commissioner Joel Anthony Viado.
Kinilala ni BI Intelligence Division Chief Fortunato Manahan, Jr.ang suspek na si Park Yeungtae, 56, anyos at nahuli ito noong July 23 sa kanyang tinitirahan bahay sa Barangay Pooc Oriental, Tubigon, Bohol.
Batay sa report linabag ni Park ang ipinagkaloob ng pamahalaan sa kanyang pansamantalang paninirahan sa bansa, dahil sa hindi pag-renew ng kanyang Immigration status mag mula pa noong taong 2016 hanggang sa kasalukuyang.
Nahuli ito sa pakikipagtulungan ng BI Intelligence division sa mga kawani ng Tubigon Police Station, at agad dinala ito sa Cebu City,pending sa kanyang deportation order sa opisina ng BI Board of Commissioner. (froialn morallos)