Biktima Ng Mail Order Bride Na-Intercept Sa NAIA

Nailigtas ng Bureau of Immigration (BI) sa kapahamakan ang isang Pilipina na pinaniniwalaan biktima ng mail-order bride, bago makasakay sa kanyang flight sa Ninoy Aquino International Airport.

Ayon kay Immigration Commissioner Joel Anthony Viado, na-intercept ito ng mga tauhan ng Immigration Protection and Border Enforcement Section (I-PROBES), noong July 15, bago makapag-board sa kanyang Xiamen Airlines flight papuntang Xiamen, China.

Batay sa report nagkunyari ito na pupunta sila sa China kasama ang kanyang kapatid upang makasama ang kanyang asawang Chinese.

Nagpresinta ito ng Marriage Certificate bilang pagpapatunay na may nangyaring kasalan, ngunit nagduda ang mga taga immigration,dahil mayroon discrepancies sa mga dukumento.

Bagkus kalaunan inamin nito na peke ang kanilang kasal,at aniya binigyan siya ng 8,000 pesos ng naturang Chinese pagkatapos ng kanilang kasal bilang panggastos sa pamasahe patungong China.

At dagdag pa nito pinangakuhan siya ng kanyang illegal recruiter na gaganda ang buhay niya sa China, dahil mabibigyan siya ng lahat ng luho sa buhay kapag pumayag siya sa pre-arrange marriage sa nasabing Chinese.

Ang biktima ay nasa kostudiya sa mga tauhan ng Inter-Agency Against Trafficking (IACAT), at kasalukuyang sumasailalim ng imbestigasyon. (froilan morallos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *