Kanselado Ang 26 Domestic Flight Dulot Ng Bagyong si Crising
Ipinakansela ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang 26 domestic flight dahil sa masamang panahon dala ng bagyong si Crising na kasalukuyang nananalasa sa buong Luzon.
Umabot naman sa mahigit sa apat na libong pasahero ang na-estranded sa ibat ibang mga Paliparan bunsod sa malakas na ulan na siyang dahilan sa pagbaha sa mga low lying area sa Northern Luzon at ilang lugar sa kabisayaan.
Ayon sa report ng CAAP tinatayang aabot sa 4,229 libong pasahero ang natingga sa airport,hinggil sa patuloy na masamang panahon.
Ayon sa talaan kanselado ang Manila patungong Busuanga at vice versa, Manila – San Jose Manila, Manila – Virac Manila, Manila Tuguegarao Manila, Manila cauayan Manila at
Busuanga–Manila.
Kanselado din ang 4 na domestic flight ng Philippine Airlines, kabilang ang PR 2932: Manila – Basco, PR 2933: Basco – Manila, PR 2688: Clark – Basco at PR 2689: Basco – Clark.
At anim naman ang cancelled flight ng Cebgo, kasama ang Masbate – Cebu, Manila – Naga Manila at Naga- Manila vice versa.
Pinapayuhan ang mga apektadong pasahero na direktang makipag uganayan sa kanilang Airlines para sa assistance ng rebooking o refund ng kanilang pamasahe.(froilan morallos)