Chinese National Tiklo Ng NBI Sa NAIA

Inaresto ng mga otoridad sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 ang isang chinese national na kagaya ni dating Bamban Mayor Alice Guo na nagkunyaring pinoy pagkalapag ng kanyang sinasakyan eroplano galing sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Ayon sa report ng Immigration Border Control and Intelligence Unit (BCIU), kinilala ang suspek na si Wang Xiujun 43 anyos, alias Cassia Palma Poliquit, at naaresto ito ng mga kawani ng national Bureau of Investigation (NBI) noong July 13, 2025.

Lumalabas sa isinagawang dactyloscopy cross examination nadiskobre ng NBI na si Poliquit at Wang Xiujun ay iisang tao.

Si Wang ay kinokonsidera na si Alice Guo ng Metro Manila, dahil sa mga nakarating na impormasyon tungkol sa kanyang pagkakasangkot sa pagbebenta ng mga electric vehicles, dito sa Metro Manila gamit ang illegal Pilipino identity.

Kung saan may hawak itong Philippine Passport, Investor visa at birth certificate of late registration sa kabila ng pagiging Chinese national.

Si Wang ay kasalukuyang nasa kostudiya ng BI Wanden Facility sa Camp Bagong Diwa sa Taguig Cit, pending sa kanyang deportation Order ng BI Board of Commissioners. (froilan morallos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *