Mahigit Sa isang Milyon Pesos Kinumpiska Ng BOC Sa NAIA

Hinarang ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 3.ang isang Pilipinang pasahero at hindi pinayagang makaalis, dahil sa kanyang undeclared 1.2 milyon pesos in cash.

Ayon sa impormasyon nakalap ang 61 anyos na babae ay pasakay sa kanyang flight papuntang Hongkong, at pagdating sa final check point nadiskobre sa kanyang luggage ang tig 500 Peso bill na umaabot sa mahigit sa isang milyon pesos.

Ayon kay Customs deputy collector for passenger services Mark Almase walang mai-presinta authorization mula sa BSP na magpapatunay na otorisado siya magdala ng malaking halaga ng pera palabas ng bansa..

Aniya sa ilalim ng Central Bank Circular, bawal ang isang pasahero o Pilipino na maglabas ng pera ng Pilipinas ng lalampas sa 50,000 tawsan katumbas ng 10,000 US dollars.

Agad na kinumpiska ng mga tauhan ng BOC ang naturang halaga, bagkus ibinalik sa kanya ang 50,000 pesos at receipt bilang pagpapatunay sa nasa kamay ng customs ang kanyang pera. (froilan morallos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *