Apat na Biktima Ng Human Trafficking Na-intercept Ng BI Sa NAIA

Na-intercept ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang apat na pinoy na pinaniniwalaan biktima ng human trafficking.

Ang apat na biktima ay isang lalaki at tatlong babae na nasa late 30’s at early 40”s, at naharang ang mga ito ng Immigration Protection and Boarder Enforcement Section (PROBES) bago makasakay sa kanilang Cebu pacific flight 5J 110 papuntang Hongkong.

Ayon sa report ng PROBES nagkunayari na mga turista ang mga ito, at magbabakasyon sa Hongkong, ngunit pagdaan sa secondary inspection, inamin ng apat na papunta sila sa Pakistan, at magtratrabaho bilang taga linis at taga luto sa isang on line gaming compound.

At pinangakuhan ng isang Chinese national recruiter ng 35,000 to 45,000 pesos monthly salary, kasama ang travel cash allowance.

Agad na dinala ang apat sa opisna ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT), para sumailalim ng imbestigasyon,ng sa gayon malamaan ang nasa likod ng walang humpay na human trafficking sa bansa. (froilan morallos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *