Saudi Aiirlines Flight SV-871 Bumalik sa NAIA Dahil sa Technical Issue

Bumalik sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang Saudia Airlines flight SV-871 matapos ang isang oras sa himpapawid dahil sa technical issue, ayon sa Civil Aviation authority of the Philippine (CAAP).

Napagalaman na ang Saudi Boeng 787-10 flight SV-871 ay patungong Jeddah, Kingdom of Saudi Arabia, lulan ang 263 Filipino Overseas Contract Workers (OFW).

At ayon sa report ng CAAP nag-take off ito dakong alas 11:52 kahapon ng umaga, at makalipas ang mahigit sa isang oras, tumawag ang Saudi airline pilots sa Manila Area Control center ng CAAP, bunsod sa nagging problema ng eroplano.

Ayon naman kay CAAP Spokeperson Eric Apolonio nakababa ang lahat ng mga pasahero ng matiwasay, at kasalukuyang nakikipagugnayan ang kanilang opisina sa Saudi airlines. (froilan morallos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *