Binuksan Ng BI Ang Taiwanese Visa Free Hanggang sa katapusan Ng Hunio
Binuksan ng Bureau of Immigration (BI) ang visa free entry para sa mga Taiwanese national na nagnanais bumisita sa bansa, sa ilalim ng Presidential Decree 1539 na inisyu ng pamahalaan noong April 3, 2025.
Batay sa impormasyon nakalap nagsimula ito o nag-take effect ito kahapon (July 1, 2025) hanggang sa katapusan ng buwan na ito, at nakasaad sa PD 1539 mayroon 14 na araw na manirahan ang mga ito sa bansa
Ayon sa pahayag ng immigration itoy bilang pagsunod sa reciprocal obligation ng Pilipinas sa Taiwan visa-free privileged na ipinagkaloob sa mga Filipino travellers, bagkus magsilbing senyales, upang maiangat ang people to people exchanges of regional connectivity.
Aniya bukod sa pag-promote ng turismo, ito ay isang commitment na suklian ang ipinakitang kabaitan o generosity ng Taiwanese government sa mga Pilipino na nagtutngo sa kanilang bansa.
Kaugnay nito ipinag-utos ni Commissioner Joel Anthony Viado sa mga Immigraiton officers, sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang seamless arrival ng Taiwanese tourist alinsunod sa immigration protocol. (froilan morallos)