Pasahero Hinarang sa NAIA sa Undeclared 1.2 Milyon Pesos

Hinarang ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) Aviation Security Group sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 3, ang isang pasahero na may dalang undeclared 1.2 milyon pesos sa kanyang bagahe.

Ang naturang pasahero ay pasakay sa kanyang flight papuntang Hongkong ng ma-intercept ng mga tauhan ng Office of the Transportation Security (OTS) pagdating sa may final- check point ng airport.

Nakuha sa loob ng bagahe nitong suspek ang halagang 1.2 milyon pesos, at 580,000 US dollars na nakatago sa kanyang luggage.

Nasa kustudiya naman ito sa mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) at kasalukyang naga-undergo ng imbestigation at proper documentation. (froilan morallos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *