Puganteng Koreano Tiklo sa Pasay City

Naaresto ng Bureau of Immigration (BI) operatives ang isang South Korean national na wanted ng pamahalaan ng Seoul dahil sa kasong kidnapping limang taon na ang nakakalipas.

Kinilala ni Immigration Commissioner Joel Anthony Viado ang suspek na si Jang Seongwoong, 47, at nahuli ito ng BI’s Fugitive Search Unit (FSU) noong May 22 sa Pasay City.
Naaresto ito sa bisa ng Deportation Warrant alinsunod sa deportation order ng BI Board of Commissioner.

Batay sa record ng BI si Jang ay dumating sa bansa noong May 1, 2017 bilang isang tourist at hindi na umalis hanggang sa kasalukuyang, kung kayat kinukunsidera na overstying.

Ayon kay BI-FSU acting chief Rendel Ryan Sy, si Jang ay aniya subject of a red notice from the Interpol that was issued in July 2019.

At aniya mayroon din itong Warrant of Arrest na inisyu ng Daegu District Court sa Korea na may kinalaman sa mga kasong Serious Physical Injury at Kidnapping.

Napagalaman na si jang ay kakutshaba sa pagpapahirap sa biktima na nagka-utang ng gambling beats, gamit ang baseball bat na nag resulta sa multiple body injuries.

Itong suspek ay naka-detainee sa BI detention facility sa Camp Bagong Diwa Taguig City, pending of his deportation order. (froilan morallos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *