Korean National Inaresto sa NAIA
Inaresto ng mga awtoridad sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 1 ang isang 63 anyos South Korean national dahil sa illegal drugs na nakuha sa kanyang hand carry bag.
Ayon sa report naaresto ito ng Philippine National Police (PNP) Aviation Security Group noong Lunes (May 26) sa may final security check point sa departure area ng naia bago makapasok sa boarding gate.
Nakuha sa kanyang hand carry bag ang tatlong itim na ligther, dalawang pirasong aluminum foil, plastic sachet na naglalaman ng puting crystalline substance o shabu na aabot sa limang gramo, at tinatayang aabot sa 34,000 libong pesos ang halaga.
Agad ito nai-turn over sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) headquarters, kasabay ang pagpa-file ng kaso, dahil sa paglabag ng section 5 Art.2 ng RA 9165 o kilala sa tawag na Dangeruos Drug Act (froilan morallos)