Security Guard sa NAIA Hinampas ng Bato ng Kanyang Nakaalitan

Nasugatan ang isang security guard sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3, matapos hampasin ng bato ng kanyang sinitang tao na nanghihingi ng limos sa loob ng airport.

Ayon sa report nangyari ang insedenti noong lingo ng hapon matapos magkaroon ng pagtatalo na humantong sa pagaway ng dalawa sa may arrival area ng paliparan.

Nagtamo ng minor injury ang naturang security guard sa kanyang kanan kamay, at agad na dinala ito sa paggamutan.

Agad naman na nahuli ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) Aviation Security Group (AVSEGROUP) itong suspek, at kasalukuyang sumasailalim ng inquest proceedings sa Pasay City Prosecution Office. (Froilan Morallos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *