Pasahero sa NAIA Humantong sa Kulungan

Sumasailalim sa inquest proceedings sa Pasay City Prosecutors Office ang isang pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), dahil sa kasong Unjust Vexation na isinampa ng isang Airline Supervisor laban sa kanya.

Ayon sa Philippine National Police (PNP) Aviation Security Group, nangyari ang insedenti noong May 14, 2025, papasok ng gate 7 ng NAIA terminal 2, kung saan nagkasagutan ang mga ito.

At pinagsisigawan itong Airline supervisor kasunod ang mga maanghang na salita na ibinato nitong pasahero laban sa biktima, dahil sa isang valid ID na hinihingi nito, bilang pagsunod sa standard Security protocol ng Airlines.

Sa halip na sumunod galit na hinampas ang balikat ng biktima kasunod ang mga salitang hindi kanais-nais,na siyang naging dahilan upang sampahan ito ng kasong Unjust Vexation.

Sinubukan ng mga awtoridad na ayusin ang dalawa alinsunod sa Local Government Code of the Philippines, sa ilalim ng Mediation and reconciliation program ng pamahalaan,ngunit hindi nakipag-ayos itong biktima..

Itong suspek ay mananatili sa kulungan ng PNP AVSEGROUP hanggat hindi nakakapag-piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan. (Froilan Morallos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *