Illegal Recruiter na si Alyas ‘beshie’ Timbog sa NAIA

Na-intercept ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang pinaghihinalaan suspek ng human trafficking at ang mga biktima bago maka-alis palabas ng bansa. ayon sa report na nakarating sa BI main office sa Intramuros.

Kinilala ang suspek na si “Andy” at nahuli ito noong April 19 sa tulong mga biktima at pakikipagtulungan ng immigration sa ibang ahensiya ng pamahalaan.

Ayon kay Immigration Commissioner Joel Anthony Viado si Alias Andy ang nag-facilitate sa illegal na pagpapa-alis sa dalawang babae noong Holy Week sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 1, papuntang Hongkong.

Isiniwalat ng dalawang biktima na ang tawag nila kay Alias ‘Andy’ ay ‘beshies’, na siya ang gumawa ng paraan upang maka-alis sila palabas ng bansa, gamit ang mga pekeng dokumento.

Ngunit hindi nakalusot sa isinagawang inisyal na imbestigasyon ngmmga tauhan ng immigration bunsod sa mga inconsistencies sa kanilang mga sagot.

Kalaunan inamin ng tatlo na papuntan sila sa Cambodia at na-recruit na magtrabaho bilang mga encoders at call center agents sa isang kumpanya sa sinasabing bansa.

At ayon sa dalawang biktima nakilala nila itong si alyas Andy sa facebook,at nagkita-kita na lamang sila sa may departure ng naia.

Ayon kay Viado si Andy ay nahuli ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) noong Easter Sunday, sa pamamagitan ng hot pursuit operation na isinagawa laban sa suspek.

Ang tatlo ay agad dinala sa opisina ng inter-agency council against trafficking (IACAT) at kasunod ang pagsasampa ng kaso laban sa illegal recruiter. (froilan morallos).

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *