Publiko Pinagi-ingat sa Mudos ng Human Trafficking

Binalaan ng Bureau of Immigration (BI) ang publiko na mag-ingat sa bagong mudos ng human trafficking scheme kung saan ginagamit ang mga Pilipino na magtrabaho sa abroad bilang scammers.

Ayon kay BI Commissioner Joel Anthony Viado target ng grupo ang mga Japanese nationals, at nadiskobre ang mudos ng grupong ito, matapos pabalikin o ma-repatriate ang isa sa 26 Pilipino victim sa bansa ng Cambodian awtotirity.

Ayon pa kay Viado pinadadaan ang mga biktima through backdoor at isasakay ang mga ito sa maliit na speed boat mula Tawi-Tawi papuntang Malaysia.

At nabulgar ito matapos ma-rescue ng Malaysian authorities ang 26 mga Pilipino sa tulong ng Philippine Embassy na sa kasalukuyang nasa mga kamay ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) sa Cambodia.

Isa sa 26 biktima ang nakauwi sa Pilipinas noong April 16, at isinalaysay  ang kanyang mapait na nagging karanasan, kung saan dumaan siya Malaysia, Brunei, Bangkok at Laos bago nakarating sa Myanmar at Cambodia.

Ayon pa biktima ginawa siya bilang Japanese translator, at kalaunan pinilit  na magtrabaho sa crypto-related scam operation, kung saan target ang mga Japanese nationals.

At aniya ang masakit isang beses siya binayaran ng ipinangakong 2,500 US dollar monthly salary.

Nakatakdang papanagutin ng pamahalaan ang recruitment agency na sangkot sa human trafficking. (froilan morallos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *