Mahigit sa Isang Milyon Pasahero sa NAIA Noong Semana Santa
Umabot sa mahigit sa isang milyon biyahero ang naitala sa Ninoy Aquino
International Airport (NAIA) sa nakalipas na Semana Santa,ayon sa nagging pahayag ng New NAIA Infra Corporation (NNIC).
Batay sa impormasyon na nakalap mula sa pamunuan ng Manila International Airport Authority (MIAA) itoy mula April 13 hanggang 20 ay umabot sa 1.17 milyon kung ikukumpara noong nakaraang taon.
Ayon sa talaan ng MIAA ang pinakamaraming pasahero noong Easter Sunday o iyong tinatawag na lingo ng pagkabuhay na umabot sa 156,635 kung saan tumaas sa 12.7 percent sa daily average na 146,611 bawat araw.
At ayon sa report nagging smooth ang operations ng terminals, at walang napaulat na problema, dahil sa kooperasyon ng ibat-ibang ahensiya ng pamahalaan.
Kasalukuyang patuloy ang isinasagawang pagsasa-ayos ng NNIC sa mga Paliparan, upang ma-modernized ang NAIA ng sa gayon makamit ang kanilang minimithing kaayusan ng airport at mga pasahero. (froilan morallos)