Puganteng Chinese Timbog sa NAIA
Inaresto ng mga taga Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang Chinese national na wanted ng interpol at awtoridad ng China dahil sa pagkakadawit sa illegal gambling.
Kinilala ang suspek na si Anrui Wang 34 anyos at nahuli ito noong April 19 sa may departure area ng naia terminal 1 bago makapg-board sa kanyang Philippine Airlines flight papuntang Phnom Penh, Cambodia.
Ayon kay Commissioner Anthony Joel Viado nahuli si Wang makaraang lumabas ang pangalan nito sa immigration derogatory system o red notice ng interpol na wanted sa kanilang bansa dahil sa nakabinbin na kaso sa korte..
.Sinabi ni BI-Interpol acting Chief Peter de Guzman, nai-published ng Interpol ang red notice laban sa suspek noong February 22, barely two months after a Warrant of Arrest was issued by Public Security Bureau Feixi County ng Hefei City China.
Lumalabas sa travel record ni Wang mahigit na sa dalawang taon naninirahan sa bansa, at dumating ito noong taon 2022 at hindi umalis hanggang sa ngayon.
Batay sa impormasyon si Wang ang siyang nagpapatakbo ng isang illegal gambling house sa China, kung saan linabag nito ang China’s Criminal Justice System at may kaparusahan ng hindi bababa sa walong taon na pagkakulong
Ayon sa report ng Chinese authorities sa pagitan ng January 2019 at September 2021 nag-established si Wang ng isang illegal gambling gamit ang internet, at nakakulimbat ito ng 78 milyon Yuan katumbas ng 10.7 milyon dollar mula sa mga biktima.
Si Wang kasalukuyang naka-kulong sa BI detention Center sa Camp Bagong Diwa Taguig Ciity, habang pinoproseso ang kanyang deportation Order. (froilan morallos)