Biktima ng Human Trafficking at Illegal Recruitment Nabalik sa Bansa

Biktima ng illegal recruitment at human trafficking nakabalik sa bansa sa tulong ng Philippine Embassy sa Cambodia.

Ayon kay BI Commissioner Joel Anthony Viado ang 26 Filipinos victim ay dumating noong Holy Wednesday sakay ng Philippine Airlines flight galing Phnom Penh, matapos ma-rescue ang mga ito sa pakikipagtulungan ng Philippine Embassy sa Cambodia.

Ayon sa talaan ng immigration ang 25 biktima ay nag-disguise bilang mga regular tourist upang makalabas ng bansa sa illegal na paraan.

Napagalaman na-recuite ang mga ito sa pamamagitan ng internet at pinangakuhan ng 900 hanggang 1000 US dollar monhtly salary, ngunit pagdating sa Cambodia napilitan magtrabaho bilang mga scammers.

Ayon sa salaysay ng mga biktima binigyan ang bawat isa sa kanila ng quota ng dalawang Filipino-American ang kailangan maguyo bawat araw, kapag hindi umabot sa quota pinahihirapan sila ng kanilang employer.

Inamin ng isang biktima na sumakay siya sa isang maliit na bangka mula Tawi-Tawi hanggang Malaysia via an illegal migration corridor o kung tawagin backdoor papuntang Laos, at pagkatapos dinala siya mula Myanmar papuntang Cambodia.

Sa 26 Filipinos repatriated, lima ang (5) ang itinuturo ng mga biktima ang nag-recruit, sa kanila at nakatakdang kasuhan ng National Bureau of Investigation (NBI) for- syndicated and large- scale illegal recruitment and qualified trafficking in persons.  (froilan morallos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *