Dalawang Babaeng Pasahero Timbog sa NAIA
Inaresto ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) Aviation Security Group sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang dalawang babae bago makasakay sa kanilang flight papuntang Hongkong.
Ayon sa report ang dalawa ay mayroon Warrant of Arrest na inisyu ng korte noong June 13, 2024, dahil sa paglabag ng Section 5 ng RA 8042 o Migrant Workers and Overseas Filipino Act of 1995.
As amended by RA 10022, specifically for Illegal Recruitment by syndicate, at walang inirekomendang bail para sa kanilang pansamantalang kalayan.
Batay sa impormasyon nakalap nahuli ang mga ito ng pinagsanib na mga tauhan ng Aviation Security Unit NCR, NAIA Police Station 1, at ng Anonas Police (PS-9) ng Quezon City Police District (QCPD).
Ang dalawang suspek ay isang 59 anyos at 39 anyos at napagalaman na pawang mga residente ng Marikina city
Itong dalawa ay kasalukuyang nasa kustudiya ng Anonas Police Station (PS-9) at naga -undergo ng proper documentation and further legal proceedings.
(froilan morallos)