Walong Pot anim Dayuhan Timbog sa Makati City
Nasakote ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Makati City ang 86 foreign nationals, na sangkot sa love scam operation sa bansa.
Ayon sa mga kawani ng Immigration Fugitive Search Unit (FSU) ang mga nahuli ay kinabibilangan ng tatlong Malaysian, isang vietnamese, at 82 Chinese nationals, at na-trap ang mga ito sa isang condominium sa kahabaan ng Gil Puyat Avenue, Barangay Pio del Pilar Makati City.
At batay sa report naisakatuparan ang ikinasang operation sa tulong ng Philippine national Police (PNP) Criminal Investigation and Detection Group, National Capital Region Field Unit (CIDG-NCRFU), at sa Mission Order na inisyu ni Commissioner Anthony Joel Viado.
Nabatid na itong grupo ay gumagamit ng bagong mudos na e-commerce at love scam tactics, fake on line orders or tinatawag na dating platforms upang makapanghikayat sa mga biktima na magpadala ng pera kapalit ang fake goods.
Nakuha ng mga awtoridad sa mga suspek ang multiple computer stations na ginagamit sa on line love scams operation.
Nadiskobre na walang mga working permit mula sa pamahalaan, at hindi maipaliwanag ang kanilang mga status sa bansa.
Itong mga suspek ay naga-undergo ng booking documentation procedures, at kasunod ang pag-turn over sa BI Warden Facility sa loob ng Camp bagong diwa saTaguig City at deportation proceedings sa opisina ng BI Board of Commissioners. (froilan morallos)