Walong Pot Apat Chinese National Ipinatapon Palabas ng Bansa
Ipina-deport ng Bureau of Immigration (BI) nitong nakaraang araw (April 14) ang 84 Chinese nationals na pinaniniwalaan sangkot sa illegal Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa.
Ayon sa impormasyon isinakay ang mga ito ng Philippine Airlines flights papuntang Beijing at tulong ng PAOCC, National Bureau of Investigation (NBI) at ng Chinese Embassy dito sa Manila.
Ang pagkakahuli ng mga suspek ay resulta sa walang humpay na operasyon ng mga tauhan ng immigration, at bilang pagsunod sa kautusan ng pamahalaan upang pasugpo o matigil ang illegal POGO operation sa ibat-ibang lugar sa bansa.
Ang 84 Chinese nationals ay napatunayan na mga undocumented, at overstaying, at naaresto ang mga ito sa magkakaibang ikinasang operasyon sa ibat-ibang probensiya sa loob ng Pilipinas
kabilang ang isinagawang operasyon sa Tarlac, Cebu at Paranaque (froilan morallos)