Dalawang American pedophiles Hinarang sa Clark

Hinarang ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Clark International Airport (CIA), sa Angeles City, Pampanga ang dalawang American convicted sex offender, upang maproteksyunan ang kapakanan ng mga minor de edad na kababaihan.

Ayon kay Immigration Commissioner Joel Anthony Viado kinilala ang mga suspek na sina Jeremy Paul Beazer, 45 ang edad, at Michael Antonio Rios, 54 anyos, at agad na pinabalik sa kani-kanilang mga lugar.

Si Beazer ay na-intercept noong April 4 at si Rios ay nasakote ng mga tauhan ng immigration noong April 8.

Hindi pinayagan makapasok ang dalawa alinsunod sa immigration act, kung saan ipnagbabawal sa bansa ang mga dayuhan na convicted of crimes involving moral turpitude.

Nakarating sa kaalaman ng pamunuan ng ahensiyang ito, na si Beazer ay nakulong noong 2001 bunsod sa pakikipagtalik sa isang 12 anyos na babae.

At si Rios ay nakulong sa Nicaragua noong taong 1989 dahil sa sexual assault  complaint ng isang batang babae.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *