Pasahero Inaresto sa NAIA

Inaresto ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) Aviation Security Group sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 2 ang isang 33 anyos na pasahero dahil sa paglabag ng RA 9165 o sa rawag na Comprehensive Dangerous Drugs Act 0f 2002.

Ayon sa report ng PNP ang nasabing pasahero ay residente ng San Mateo Rizal, at nahuli ito noong April 11 bago makasakay sa kanyang flight papuntang Davao.

At ayon sa impormasyon nadiskobre ang 1.5 grams ng Marijuana kush sa bulsa ng pantalon pagpasok sa final security check point bago makapasok sa boarding.

Kung saan ibinalot ang nasabing mga marijuana ng duct tape kasama ang isang small tube, upang makalusot sa mga kinauukulang.

Itong suspek ay nasa kostudiya ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), at pineprepara ang kaso laban dito. (froilan morallos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *