Naka-Alerto ang NNIC sa Darting na Semana Santa
Naka-alerto ang New NAIA Ifra Corporation sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa pagtaas ng volume ng mga pasahero, sa darating na mahal na araw, ayon sa nagging pahayag ng isang opisyal.
Kaugnay nito nakikipag-coordinate ang NNIC sa mga tauhan ng Manila International Airport Authority (MIAA), at ibat-ibang sangay ng pamahalaan upang mailatag ang efficient operations para sa safety ng mga pasahero.
Simula sa April 13 hanggang sa petsa 20 ng buwan na ito, inaasahan ang 14.23 percent or 1.18 milyon passengers increased kung ikukumpara noong nakaraang taon na umabot lamang sa 1.04 milyon.
Batay sa report noong nakaraang taon umabot sa 6,537 ang dumagsa na mga pasahero sa mga Paliparan, at sa ngayon inaasahan na aabot sa 6,724 sa darating na mga araw ng April 15 at 18.
Kasabay nito nakikipagugnayan ang NNIC sa ibat-ibang ahensiya ng pamahalaan kasama ang Department of Transportation (DOTr), Manila International Airport Authority (MIAA), Philippine National Police–Aviation Security Group (PNP-AVSEGROUP), Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), Bureau of Immigration (BI), Bureau of Customs (BOC), Bureau of Quarantine (BOQ), at airline operators, upang mapanatili ang seguridad, security sa airport.
Matatalaga din ang mga ito ng 24 /7 round the clock operation Assistance desks sa lahat ng airport, airport personnel, medical teams, uniformed officers at karagdagan traffic aides sa paligid ng Paliparan.
At ini-encourage ang mga pasahero na dumating ng maaga, i-double -check ang flight details, terminals assignment, travel documents, at iwasan ang pagdala ng ipinagbababwal na gamit.
At asahan ang possible delays sa mga flight dahil sa dami ng pasahero sa loob ng airport, isa na rito ang long lines at the check-in counter at security screening process. (froilan morallos)