42 Chinese National Nasakote sa Lalawigan ng Quezon

Naaresto ng Bureau of Immigration (BI), sa tulong ng law enforcement agency ng Quezon ang 42 Chinese national sa Alabat Cove, Barangay Villa Norte, Quezon Province.

Nahuli ang mga ito nitong nakaraang araw sa tulong at impormasyon ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) at Philippine National Police (PNP) na nakatalaga o naka-assigned sa lugar.

Ayon sa impormasyon walang maipakita ang naturang mga dayuhan ng valid pass port, working permit o dokumento na nag mula sa Bureau of Immigration.

Ayon kay Commissioner Anthony Joel Viado, linabag ng mga ito ang immigration laws. Kung kayat wala silang puwang na magtrabaho o manatili sa bansa.

Nakatakda ipa-deport ang mga ito sa lalong madaling panahon, at pansamantala mananatili ang grupo ito sa BI Detention Center sa Camp Bagong Diwa sa Taguig pending sa deportation order ng BI Board of Commissioner. (froilan morallos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *