Binuhay Muli Ang “Oplan Biyaheng Ayos” Semana Santa

Ipinalagay ng heightened alert ng Civil Aviation Authority of the Philipines (CAAP) ang lahat ng mga airport sa bansa alinsunod sa “Oplan Biyaheng Ayos” ng Semana Santa 2025, upang maprotektahan ang seguridad ng mga manlalakbay pauwi sa kani-kanilang mga probensiya.

Na uuwi sa kanilang mga probensiya upang makadaupang palad ang kanilang mga mahal sa buhay sa apat na araw selebrasyon ng Semana Santa, kabilang ang Holy Thursday, Good Friday, Black Saturday at Easter Sunday.

Kasabay nito ipinag-utos ng CAAP sa kanilang mga tauhan ang 24 / 7 operations sa mga key airport, kasunod sa suspension of leave privileges for essential personnel to assist ang manage the expected influx of passengers.

Nakipag-coordinate na rin ang ahensiyang ito sa ibat-ibang ahensiya ng pamahalaan para sa airport security, kabilang ang Philippine National Police (PNP) Aviation Security Unit (AVSEU), Office of the Transportation Security (OTS) Department of Tourism (DOT) Civil Aeronautics Board, Local Government Units at Airline Operators.

Nag-deploy din ang mga ito ng karagdagan Malasakit Help Desk sa major airports na siyang tutulong sa mga pasaherong may problema habang nasa loob ng area of responsibility.

Samantala, nagtalaga naman ang mga opsiyales ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ng medical tents, doctors, Nurses, at information counters upang maakoderan ang mga pasaherong may problema sa kalusugan

At kasabay na inalerto ng local airlines ang kanilang mga tauhan sa darating na Semana Santa ng sa gayon ma-experience ng mga ito ang safe travel mula April 13 hanggang 20. 2025.

Ipinag-babawal naman sa mga guest ang magdala ng power bank na lalampas sa 100 watt-hours, power rated between 100Wh to 160Wh kinakailangan ng airline approval sa check-in counters. (Froilan morallos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *