Limang Puganteng Chinese Tiklo sa Maguindanao

Nasakote ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) sa Parang Maguinanao del Norte ang limang Chinese fugitives at tatlong Pilipino na siyang nag-facilitate sa pagtakas ng limang dayuhan.

 

Ayon kay Bureau of Immigration (BI) Commissioner Joel Anthony Viado kinilala ang mga suspek na sina Ying Guanzhen, 31; Yang Jinlong, 29; Liu Xin, 28; Shen Kan, 36; and Luo Honglin.

At naaresto ang mga ito noong March 22 sa ikinasang operasyon ng pinagsanib na mga tauhan ng PNP Zamboanga Provincial Mobile Force Company (PMFC) at Langunyan Municipality Police Station.

Matapos masiraan ang makina ng speedboat na kanilang sinakyan sa pagtakas sa may Barangay Sikullis Languyan Tawi-Tawi Jolo noong March 21.

Batay sa impormasyon ang limang suspek ay sangkot sa illegal na operasyon ng Lucky South 99, isang Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) na nago-operate sa Pampanga ng walang permit mula sa pamahalaan.

Ang mga suspek ay agad na dinala sa BI holding facility sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City, at mananatili ang mga ito sa kulungan habang on going ang deliberasyon ng kanilang deportation order sa opisina ng  BI Board of Commissioners. (froilan morallos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *