Immigration Nalarma sa Bagong Mudos ng Illegal Recruiters
Naalarma si Bureau of Immigration (BI) Commissioner Joel Anthony Viado sa bagong human trafficking scheme, kung saan pinagkukunyari ang mga biktima bilang miyembro ng missionaries upang makalusot palabas ng bansa.
Makaraang ma-intercept ng immigration officers sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 noong April 3 ang tatlong biktima na nagpanggap bilang Church Missionary.
Ang mga biktima ay nasa edad na 23, 25, at 50, at naharang ang mga ito bago makasakay sa kanilang Scoot Airlines flight papuntang Singapore bago tumuloy sa Thailand.
At nadiskobre ang mga ito dahil sa discrepancies ng kanilang mga dokumento na siyang nagging daan upang sumailalim ng malaliman imbestigasyon.
At kalaunan inamin ng mga suspek na hindi sila miyembro ng missionaries, bagkus licensed teachers at na-recruite na magturo sa isang eskwelahan sa Thailand.
Ayon pa kay Viado ang mudos na ito ay ang tinatawag na “Bitbit“scheme upang mapaniwala ang mga taga BI na lihitimo ang kanilang biyahe. (froilan morallos)