Karagdagan OFW Lounge At Rest Area sa NAIA 3

Nagtayo ang Manila International Airport Authority (MIAA) sa tulong ng New NAIA Infrastructure Corporation (NNIC) ng panibagong Overseas Filipino Workers (OFWs) Lounge at rest area sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 3, upang maging komportable ang mga ito habang naga-antay ng kani-kanilang flight palabas ng bansa.

Ayon kay MIAA General Manager Eric Ines magkahiwalay ang rest area ng babe at sa lalaki, kung saan pinaganda ang mga ito, katulad ng paglalagay ng soft mattress, fresh linens, airconditioning at kumot.

At dagdag pa nito ang mga naturang rest area ay para sa mga OFW, habang naga-aantay sa kanilang flight palabas ng bansa.

At kasabay nito nag-installed din ang MIAA ng walong ((8) karagdagan immigration counters upang maiwasan ang mahabang pila ng sa gayon mapabilis ang pagpasok ang mga ito sa boarding gate.

Ipinatupad din ang bagong polisiya sa naia 3, kung saan mauuna ang security check points bago ang immigration alinsunod sa international procedures. (froilan morallos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *