Dalawang Puganteng Koreano Naaresto sa Cebu at Parañaque City

naresto ng Bureau of Immigration (BI) Fugitive Sear5ch Unit (FSU) ang dalawang South Korean fugitives na wanted sa Seoul dahil sa pagkaaksangkot ng kasong robbery at illegal gambling.

Ayon kay Immigration Commissioner Joel Anthony Viado, ang dalawa ay nahuli noong March 3 sa magkaka-ibang operasyon na isinagawa ng FSU sa Cebu at sa Parañaque City.

Batay sa report ang 38 anyos na si Sim Sooryong ay nahuli sa Barangay Talamban sa Cebu City,at si Kim Kwanghyun ay dinampot sa kahabaan ng Dr. Santos Avenue, San Dionisio, Paranaque City.

Ayon sa impormasyon si Sim Sooryong, ay mayroon Warrant of Arrest na inisyu ng Changwon District Court noong Nov. 26 nakaraang taon hinggil sa pakikipagsabwatan sa paghold up at pag-atake sa biktima sa likod, ulo at ibat-ibang parte ng katawan gamit ang isang palakol (axe ).

At pinagbantaan na papatayin itong biktima nitong suspek, kung kayat sapilitan na magdeposit ng 25 milyon won sa kanyang bank account.

Nakarating din sa kaalaman ng Immigration na si Kim ay mayroon Warrant of Arrest na inisyu ng Gwangju District Court noong March 18, 2016, na may kaugnayan sa paglabag sa Korea’s national promotion Act.

Ayon sa pahayag ng Korean authority nakakulimbat ito ng mahigit sa 16 bilyon won resulta sa illegal gambling operation magmula noong Taon 2015.

Ang dalawang dayuhan ay mananatili sa BI Detention Center sa Camp Bagong Diwa, Taguig City, habang on- going ang deportation proceedings sa opisina ng BI Board of Commissioners.

(froilan morallos)  March 10,2025

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *