Sinibak sa Puwesto ang IO na Sangkot sa Pagtakas ng Korean Fugitive

Sinibak sa puwesto ang tauhan ng Bureau of Immigration (BI) na itinuturong sangkot o nag-facilitate sa pagtakas ng high-profile Korean fugitive sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon kay Commissioner Joel Viado hindi simpleng kapabayaan ng Immigration Officer na ito, sapagkat nakita sa CCTV footage ang nangyaring collusion sa pagitan nito at Korean fugitive.

Bukod sa pagkasibak sinampahan pa ito ng criminal case sa Department of Justice (DOJ) upang papanagutin sa kanyang ginawang paglabag sa alituntunin ng Bureau of Immigration at sa batas.

Dagdag pa ni Viado the footage is damning evidence, because its very clear in their movements and interactions caught on a camera strongly indicate collusion,bagkus nangangalap pa ang immigration ng karagdagan testimonial evidence upang mapalakas ang kaso laban sa mga akusado.

Ngunit aniya, malakas ang kanilang nakuhang evidensiya na magdidiin sa taong responsible, kung kayat ipina-ubaya ang kasong ito sa DOJ ng sa gayon maparusahan ang lumabag sa trust and confidence na ipinagkaloob ng pamahalaan.

Ayon pa kay Viado hindi titigil ang kanyang tanggapan hanggat hindi napaparusahan at nakukulong ang mga may kasalanan para hindi na pamarisan.

At aniya, nabibilang na ang mga araw ng mga empleyado na sangkot sa corruption, illicit deals and under-the -table trnasactions, dahil lahat ng mga kasangkot ay mayroon kakaharapin na kaparusahan. (froilan morallos)

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *