Immigration Officer Nasa Hot Water
Ayon sa report nagbayad umano ang naturang dayuhan ng halagang 250,000 tawsan pesos sa isang nangangalang Calaca, ang diumano immigration officer, kapalit ng immigration Stamp na hindi na-encode sa bureaus central query support system.
At ang nasabing dayuhan ay na-intercept ng mga tauhan ng Immigration Protection and Border Enforcement Section (I-PROBES) noong February 25, 2025 sa may departure area ng naia terminal 1, bago makasakay sa kanyang flight pabalik ng China.
Batay sa impormasyon ang dayuhang ito ay napatunayan na nag-overstay o lumabag sa alituntunin ng ahensiyang ito.
At na diskobre sa isinagawang inisyal na imbestigasyon na nakipag-usap ito sa isang corrupt na immigration officer upang makaiwas sa penalty at iba pang bayarin sa immigration. (froilan morallos)