American Septuagenarian Nanirahan sa Airport ng Halos Isang Buwan

Naka-alis sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) papuntang Bangkok Thailand ang American septuagenarian, ayon sa report ng Bureau of Immigration (BI) na nakarating sa pamunuan ng Manila International Airport Authority (MIAA).

Ayon sa ilang tauhan ng Immigration kinilala ang 76 anyos American national na si Richard Louis Leur, dumating ito noong January 31, galing sa Bangkok at nanirahan sa terminal 3 ng halos magiisang buwan.

Ayon sa salaysay ni Leur ninakaw ang kanyang malaking pera sa kanyang pinangalingan (port of origin), at mayroon siyang naiwan, ngunit hindi ito makakasapat kapag nag-hotel dahil aniya ang hotel ay too expensive.

At pakalat-kalat ito sa loob ng terminal, kung saan-saan natutulog, at nakakain sa tulong ng airport personnel at mga pasahero na naaawa sa kalagayan niya.

Naka-alis ito noong February 22 patungong Bangkok Thailand sakay ng Thai Airways sa tulong ng Airport Police at sa pakikipagtulungan ng US Embassy dito sa Manila. (froilan morallos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *