Dalawang Dayuhan Sabay Naaresto ng BI sa Bohol at Cebu

Inaresto ng Bureau of Immigration (BI) Intelligence Division sa Panglao Bohol at Cebu City ang dalawang dayuhan dahil sa paglabag ng immigration laws o sa kanilang illegal na paninirahan sa bansa.

Ayon sa report ang mga nahuli ay sina Dong Chengzhi 27 anyos, Chinese national at Takeshi Nishiyama 48 anyos isang Japanese national.

Batay sa nakalap na impormasyon si Chengzhi ay dinampot ng mga tauhan ng BI Intelligence division noong February 20 sa Doljo, Panglao Bohol, habang si Nishiyama ay nahuli din noong petsa 20 ng Pebrero sa Kasambagan Cebu City.

Ang dalawa ay nananatili sa kustudiya ng Immigration habang naka-pending ang resolution sa kanilang deportation order. (Froilan morallos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *