Piloto at Kasama Nito Ligtas sa Sakuna
Naka-ligtas ang Piloto at kasama nitong student pilot ng Piper tomahawk trainer plane matapos mag-emergency landing sa Plaridel Bulacan dahil sa engine failure ayon sa report ng Civil Aviation Authority of the Philippine (CAAP).
Ayon sa nakalap na impormasyon ang Piper Tomahawk trainer plane ay may tail number RPC-1085 at ino-operate ng Fliteline Aviation.
Ayon kay CAAP spokesperson Eric Apolonio umalis ito o nag-take off bandang alas 9:48 noong Meyerkules ng umaga sa Plaridel Bulacan airport, at makaraan ang dalawang minuto flying time, nag-emergency landing ito sa isang palayan sa Bulacan dahil sa problema sa makina.
Kasalukuyang nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga tauhan ng CAAP upang matukoy ang nagging sanhi o cause ng engine malfunction ng naturang trainer plane. (froilan morallos)