Japayuki na Wanted sa Pagnanakaw Tiklo sa Pampanga

Na-aresto sa Pampanga ng Bureau of Immigration (BI) operatives nitong nakaraang lingo ang isang Japanese national na wanted sa Tokyo dahil sa kasong pagnanakaw.
Ayon kay Immigration Commissioner Joel Anthony Viado, kinilala ang suspek na si Tsukita Yuhei, 28 anyos, at nahuli ito noong lunes taong kasalukuyang sa kahabaan ng Fields Avenue, Barangay Balibago, Angeles City.
Dinampot ito ng mga tauhan ng bureau’s fugitive search unit (FSU) sa bisa ng Mission Order na inisyu ni Viado, dahil sa pakiusap ng Japanese government upang maibalik ito sa kanilang bansa.
Si Yuhei ay mayroon Warrant of Arrest na inisyu ng Tokyo Summary Court noong October 27, 2022, matapos sampahan ng kasong pagnanakaw at paglabag ng Art. 235 ng Japanese Penal Code.
Ayon sa pahayag ng Japanese Government si Yuhei ay kasama sa pagnakaw ng walong (8) pirasong ATM cards, kung saan nagpanggap ito bilang awtoridad para mapaniwala ang mga biktima at ibigay ang kanilang mga ATM cards.
Batay sa impormasyon tinatayang aabot sa 724,000 Yen katumbas ng 4,600 dollars ang nakulimbat nito mula sa Cards ng mga biktimang.

Agad nama ito ipapadeport upang kaharapain nito ang kasong kinasasangkutan, at kasabay nito ipinalagay ang pangaln sa mga blacklisted na dayuhan ng sa gayon hindi muli makabalik sa bansa.

(froilan morallos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *