Dalawang African National sa Droga
Inaresto ng mga tauhan ng Bureau of Customs Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (BOC-IADITG) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 3 ang dalawang South African national dahil sa 14,396 gramo ng methamphetamine hydrochloride o kilala sa tawag na shabu.
Nakilala ang mga suspek na sina Ondine Louise 44 anyos at John Edward 37 anyos, at nadiskobre ang mga shabu sa loob ng kanilang mga luggage na may street value na aabot sa 97,892,800.00 milyon pesos ang halaga.
Batay sa impormasyon na nakalap ng pahayagang ito, dumating ang mga ito nitong nakaraang araw, (Jan.16,2025) sakay ng Emirates Airlines flight EK 334 galing South Africa via Dubai.
Ayon sa report ni NAIA customs assistant deputy collector for passenger services Mark Almase kay NAIA district collector Yasmin Mapa, nadiskobre ang mga illegal drugs sa isinagawang X-ray Inspection at physical inspection.
Kung saan itinago ang mga drugs sa loob ng kanilang mga bagahe, binalot ng black tape, foil, at ihinalo sa box ng biscuits at libro bago ilagay sa compartment ng kanilang luggage.
Kakaharapin ng dalawa ang kasong criminal dahil sa paglabag ng RA 9165 o kilala sa tawag na Dangerous Drug Act 2000.
At ang dalawa ay naka-takdang sumailalim ng inquest proceedings sa opisina ng Pasay City Prosecutors Office, bago dalhin ang kaso sa korte. (froilan morallos)