Air Asia Official Partner ng Ati-atihan Festival sa Aklan
Official partner ang Air Asia O ang tinaguriang low cost airline sa bansa sa Ati-atihan festival sa Aklan na gaganapin bago matapos ang buwan na ito.
Kung kayat inaasahan ang pagdagsa ng libo-libong patronizer sa Ati-atihan festival selebrasyon sa taong ito, ayon sa local na pamahalaan ng Aklan.
Anila nananatili naman ang kumpanyang ito bilang vital partner sa patuloy na pagunalad ng probensiya ng nasabing lugar , sa pamamagitan ng pagbibigay ng affordable and convenient travel options, particular na sa hanay ng mga turista.
Sa kasalukuyang ang Air Asia ay mayroon itong 74 weekly flight na naka-antabay sa mga pasaherong magtutungo sa mga lugar ng Kalibo, Caticlan at ang tinaguriang world famous Boracay Island na kung tawagin the home of the renowned Ati-atihan festival.
Noong nakaraang taon naital sa kasaysayan ang 1.3 milyon Air Asia patronizers ang napagserbisyuhan ng kumpanyang ito, mag mula sa Maynila at vice versa.
Bilang opisyal partner ng Ati-atihan festival nananatili ang suporta ng kumpanyang ito sa inaasahan 150,000 tawsan turistang dadalo sa taunang ati-atihan festival sa lalawigan ng Aklan, by offering daily flight from Manila to Aklan at pabalik ng Maynila. (froilan morallos)