Papanagutin ng Pamahalaan Ang mga Kumpanyang Nagkakanlong ng POGO Workers
Kakasuhan ng Bureau of Immigration (BI) ang mga kumpanyang mahuhuling nagkakanlong ng mga illegal POGO workers, matapos ipag-utos ni pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang total closure ng POGO, upang mapahinto na ito, ayon kay Commissioner Joel Viado
Matatandaan na binigyan ng pamahalaan ng palugit ang mga kumpanyang ito hanggang katapusan ng Desyembri na ihinto ang kanilang operasyon upang mabigyan ng Panahon o preparasyon para sa pagpapauwi ng kanilang mga POGO workers pabalik sa kani-kanilang mga bansa.
Nitong nakaraang araw inanunsyo ni Commissioner Viado ang repatriation ng mahigit sa labing isang libong mga dayuhan na sangkot sa illegal operasyon ng POGO, na inaresto ng mga tauhan ng pamahalaan sa isinagawang magkakahiwalay na operasyon sa ibat-ibang lugar sa Pilipinas.
Batay sa impormasyon mahigit sa tatlong pong libong POGO workers ang bilang ng mga naaresto ng mga ito at kasalukuyang nasa pangangalaga ng mga awtoridad habang naka pending ang kanilang deportation order ng BI Board of Commissioners.
Kaugnay nito on going ang hot pursuit operation ng pamahalaan sa iba pang POGO workers na nagtatago sa ibat-ibang lugar sa bansa, makaraang ipagbawal ng pamahalaan o total ban ng Philippine Offshore Gaming Operation.( Froilan Morallos)