Dalawang pasahero sa NAIA nagsuntukan sa comfort room

Sumailalim ng masusing imbestigasyon ang dalawang pasahero matapos magsuntukan sa loob ng comfort room sa may arrival area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 1, dahil sa hindi pagkakaintindihan habang nasa loob ng eroplano pauwi dito sa Pilpinas

Ang mga protagonis ay  nakilala na sina Lim Carry Temblique 34 anyos residente ng Sta. Maria Bulacan at Anthony Asunción 49 anyos ng Manila.

Ayon sa report ang dalawa ay magkasama sa Philippine Airlines flight galing Vietnam, kung saan nagkaroon ng pagtatalo at humantong ng girian hanggang makalabas sa eroplano.

Batay sa impormasyon nangyari ang insedenti noong Lingo ng umaga ng December 29, habang nagkli-claim ang dalawa ng kanilang mga bagahe.

Ang dalawa ay dinala sa headquarters ng Philippine National Police Aviation Security Group (PNP-AVSEGROUP) para ayusin ng sa gayon hindi na humantong sa demandahan. (Froilan Morallos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *