Chinese National Inaresto ng BI sa Paranque City

Dinampot ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa PARAÑAQUE CITY, ang isang Chinese national dahil sa pagtratrabaho sa grocery store ng walang working permit mula sa pamahalaan.

Ayon sa report kinilala ang suspek na si Chen 46 anyos, at nagtratrabaho ito bilang cashier sa isang Chinese grocery store sa kahabaan ng Quirino Avenue, Barangay Tambo ng binabanggit na lungsod.

Ayon kay BI Intelligence Division Chief Fortunato Manahan Jr. si Chen ay mayroon valid working visa, ngunit sa ibang kumpanya.

Aniya sa ilalim ng Bureau of Immigration guidelines, foreign nationals are not allowed to work for any company apart from the one that petitioned their visa, sapagkat ito ay isang paglabag sa kondisyunes na ipinagkaloob ng pamahalaan.

Si Chen ay agad na dinala sa BI main office sa Intramuros upang mag-undergo ng medical examination, at pagkatapos ito ay dadalhin sa BI holding facility sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City. (froilan morallos)

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *