Labing Dalawang National Roads Sarado sa Lahat ng uri ng Sasakyan
Labing dalawang (12) roads sections sa Cordillera Administrative Region at Bicol Region ang kasalukuyang sarado sa lahat ng uri ng sasakyan dulot ng hagupit ng Tropical Cyclone Nika, Ofel at Pepito, ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH).
Ayon sa report ng Department of Public Works Bureau of Maintenance (DPWH-BOM) hindi madaanan ang mga ito dahil sa nagbagsakan puno ng kahoy, landslide at lalim ng tubig sa mga naturang mga daan.
Kabilang sa mga saradong daan ay ang Banaue-Hungduan-Benguet Boundary Road sa Tukucan, Tinoc, Ifugao, Benguet-Nueva Vizcaya Road, Sitio Labas, Pito Bokod, Benguet , Cagayan-Apayao Road, Sta Barbara, Piat, Cagayan, Maharlika Highway, ng Barangay San Luis, Diadi, at Nueva Vizcaya, Aritao-Quirino Road, K0246+750.
Bambang-Kasibu-Solano Road, Daang Maharlika-Jct. Malasin Road, Barangay Lamo, Dupax del Norte, Nueva Vizcaya,Cordon-Aurora Bdry Road (Jct Dumabato- Aurora Bdry), Barangay Sangbay, Nagtipunan, Quirino,NRJ Villa Sur-San PedroCabua-an-Ysmael Disimungal Road, Barangay Villa Sur, Maddela, Quirino, at Nueva Ecija- Aurora Road, Barangay Labi, Bongabon, Nueva Ecija.
Maging ang Catanduanes Circumferencial Road, sa may Barangay Mavil, Bagamanoc, Catanduanes, Baras – Gigmoto – Viga Road, Barangay Paniquihan section ng Baras town, Barangay Sicmil section ng Gigmoto town, Barangays Botinagan, Suboc, at Buenavista sections ng Viga town, sa Catanduanes ay sarado sa lahat ng uri ng sasakyan, dahil sa mga landslide.
Samantala ang Jct Pinagpanaan-Rizal-Pantabangan Road, Barangay Del Pilar, Rizal,sa Nueva Ecija,San Jose City-Rizal Road via Pinili-Porais-Villa Joson (Palarilla) Road, Barangay Porais at Palestina ng San Jose City ay hindi madaanan ng maliliit na mga sasakyan dahil lalim ng tubig sa daan.
Ayon sa inisyal na report ng mga tauhan ng DPWH Bureau of Maintenance tinatayang aabot sa 516.73 milyon pesos ang nasira sa mga infrastructure project ng pamahalaan sa mga rehiyon na hinagupit ng tatlong bagyong ito. (froilan morallos)