Air Asia Nagbigay ng Tulong sa Grupo ng Siklista Para sa Disaster Resilience Workshop
Nagbigay ng tulong ang Air Asia ng halagang 562,750 tawsan pesos katumbas ng 10,000 US dollar sa isang grupo ng siklista bilang pangastos sa gaganapin disaster resilience workshop sa Manila at Cebu at iba pang mga lalawigan sa Bicol at Kabisayaan.
Ang grupong ito ay na-organized noong taong 2013 at mayroon humigit kumulang
At inorganisa ito upang makatulong sa mga residente kapag may bagyo at baha sa mga liblib na lugar na hindi kayang pasukin ng mga sasakyan.
Ayon sa impormasyon ang naturang grupo ay isang volunteer-driven disaster monitoring platform, kung saan gamit ang mga bisiklita upang makapaghatid ng tulong sa mga sinalanta ng kalamidad.
Ayon kay Myles Delfin founder ng nasabing grupo, importante sa kanilang local member na dumaan sa masusing pagsasanay ng sa gayon handang sumabak sa ulan at baha kapag masama ang panahon, upang makarating sa mga isolated na lugar.
Aniya hindi lingid sa kaalaman ng lahat na ang ating bansa ay hindi nakakalusot mula sampo hanggang labing apat na bagyo taon-taon, kung kayat naisipan niya ang magbuo ng grupo para makatulong at mabilis na serbisyo sa ating mga kababayan,(Froilan Morallos)