Pera sa Flood Control Itulong sa mga Magsasaka Kaysa Mapunta sa mga Corrupt na Politiko
Natapos ang konstraksiyon ng flood control solar powered water system sa South Cotabato, ayon sa report na nakarating kay DPWH Secretary Manuel Bonoan, galing sa pamunuan ng South Cotabato first Engineering District.
Ayon sa impormasyon na nakalap ang proyektong ito ay pinonduhan ng pamahalaan ng tinatayang aabot sa 58.03 milyon pesos ang halaga mula sa General Appropraition Act taong 2023.
Ang flood control na ito ay mayroon five meter high reventment wall with embankment, steel pipe foundation, riprap at concrete capping upang maiwasan o mapigil ang pag-over flow ng Silway river papuntang sa mga Barangay ng Maligo, at Polomolok South Cotabato.
At maprotektahan din ang mga residente at mga pangkabuhayan ng mga ito sa daloy ng tubing na nangagaling sa Mt. Mutuum kapag malakas ang buhos ng ulan.
Samantala ang 200,000 cubic meter solar-power water system ay itinayo ng pamahalaan upang matulungan ang mga magsasaka at karatig na lugar sa General Santos City sa kanilang pananim kapag tag araw.
At sa pamamagitan nito inaasahan ng mga residente sa karatig na barangay ang karagdagan ani o agricultural productivity sa kanilang mga sakahan.
Gayon pa man naging optimistic ang isang daang (100) house hold, sapagkat anila kapag mayroon bagyo at malakas na buhos ng ulan tila hindi reliable ang flood control na ito dahil sa tinatawag na climate change.
Ayon pa sa mga ito mas makakabuti na pagtuunan ng pansin ng pamahalaan ang mga magsasaka namabigyan ng tractor, rice planting machine at fertilizer upang mapaganda ang kanilang mga ani.
Matatandaan na bilyon ang ibinuhus na pera sa flood control mula sa kaban ng bayan, bagkus lalong lumalala ang baha sa loob at labas ng Metro Manila.
Bagkus ang nakikinabang sa pera ng flood control ay ang mga corrupt na mga politiko kasabwat ang ilang Undersecretary at mga District Engineer ng DPWH.(Froilan Morallos)