Biktima ng Human Trafficking Naharang sa NAIA
Pinigil at hindi pinayagang makaalis ng Immigration Officer (IO) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang 23 anyos na babae dahil sa pekeng Commission on Filipinos Overseas (CFO) at Guidance Counselling Program (GCP) Certificate.
Ayon sa report nangyari ang insedenti noong November 2 habang kasagsagan ng maraming pasaahero papauwi sa kani-kanilang probensiya upang bumisita sa puntod ng kanilang mga mahal sa buhay.
At batay sa impormasyon papunta ito sa Nagoya Japan para bisitahin ang kanyang asawang Japanese national, ngunit hindi nakalusot dahil sa mga inconsistencies ng kanyang mga dokumento.
Na siyang naging dahilan upang beripikahin ang kanyang CFO, at sa resulta ng imbestigasyon nadsikobre na peke ang kanyang iprenisintang dokumento.
Ayon sa isang opisyal ng Bureau of Immigration ang CFO ay basic requirements o importanteng dokumento sa mga papaalis o departing passengers na magaasawa ng foreigner.
At sa isinagawang pagsisiyasat ng taga immigration inamin nitong suspek na nabili niya ang kanyang CFO sa isang fixer sa pamamagitan ng online, na siya rin nag-facilitate sa kanyang travel.
Agad naman ito ilinipat sa pangangalaga ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT), at ang kasabay nito ang paghahain ng kaso laban sa nag-isyu ng pekeng dokumento.(froilan morallos)