Alabang Boys Ipatatapon Palabas ng Bansa

Nakatakda ang deportation ng tinaguriang “Alabang Boys”, ayon sa pamunuan ng Bureau of Immigration, makaraang maaresto ang mga ito noong October 22,  ng pinagsanib na mga tauhan ng  National Bureau of Investigation (NBI), Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT), at mga tauhan ng Immigration sa Muntinlupa City.

Ayon sa report mula kay BI Commissioner Joel Anthony Viado pitong (7) Chinese national, at isang (1) Vietnamese.

Batay sa nakalap na impormasyon ng pahayagang ito, nahuli ang mga ito sa tulong ng Ayala Alabang homeowner association kung saan nagkukuble ang mga ito.

At ayon sa report naaresto ang mga ito ng magkakaibang bahay sa loob ng Ayala Alabang, at pinaniniwalaan na miyembro ng online scamming, bagkus wala pang maipakitang papeles na legal ang kanilang paninirahan sa bansa.(froilan morallos)

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *