Sampong Domestics Flight Kanselado
Ipinakansela ng Philippine Airlines (PAL) ang kanilang anim na domestic flight dulot ng bagyong si Leon, (international name “kong Rey”upang makaiwas sa ano mang maaring sapitin ng mga pasahero.
Ang anim na domestic flight ay kinabibilangan ng
PR 2196/2197, PR 2198/2199 Manila-Laoag-Manila at PR 2932/2933 Manila-Basco-Manila.
Kasabay din ipinasuspendi ang apat na domestic flights ng Cebu Pacific kabilang ang Manila-Tuguegarao-Manila 5J504/505 at 5J 506/507 dahil sa masamang panahon dala ng bagyong Leon.
Pinapayuhan ang apektadong mga pasahero na makipagugnayan sa kani-kanilang airlines sa panibagong flight booking. (froilan morallos)
