Dalawang Chinese National Timbog sa NAIA
Dinampot ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang dalawang Chinese national na nagkunyaring mga Costa Rican nationals.
Kinilala ang dalawang suspek na sina Wang Songyi, 54 anyos, at Liao Fudi, 50 anyos, at ayon sa report na-intercept ang dalawang ito noong Oct. 19 sa NAIA terminal 1 bago makasakay sa kanilang Philippine Airlines flight patungong Kuala Lumpur.
Ayon sa report ang dalawang ito ay papuntang Canada, kung saan pinaplano ng mga ito na gagamitin ang kanilang Costa Rican passports para makapasok sa Canada.
Nadiskobre ang mudos ng dalawa matapos makitaan ng iregularidad sa kanilang Costa Rican passport, at pekeng immigration stamps.
Bagkus nadiskobre din na hindi marunong magsalita ng salitang espanyol, at kalaunan inamin ng dalawa na Chinese nationals.
Ang dalawa ay agad na dinala sa BI detention facility sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City, at mananatili ang mga ito sa kulungan habang naka-pending ang kanilang deportation order ng BI Board of Commissioners. (froilan morallos)