Nakatakda ang completion date sa construction ng Busokbusokan river flood control solution ng San Vicente sa Narciso Quezon Province

Nakatakda ang completion date sa construction ng Busokbusokan river flood control solution ng San Vicente sa Narciso Quezon Province, ayon sa pahayag ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
 
 Ayon kay DPWH Region IV-A Director Jovel Mendoza ang proyektong ito ay nagkakahalaga ng 96.5 milyon pesos at ang pondong ginamit ay galing sa CY 2024 Regular Infrastructure Program ng pamahalaan.
Ayon pa kay Mendoza ang flood control structure ay mayroon sukat na 297.50 linear meters, kasama na dito ang 160 linear -meter flood control wall, 76.60 linear-meter carriageway, 62.80 linear-meter right section, at kapal na 0.20 meter carriageway.
 
Dagdag pa ni Director Mendoza linagyan pa nila ito ng walong (8) solar street lights, upang maseguro ang safety ng mga residente habang naglalakad kung gabi.
Aniya kapag natapos ang proyektong ito, maproprotektahan ang mga naninirahan sa lugar na ito  sa tubig baha, lanslide at panaminm ng mga magsasaka.

 

Samantalang binatikos ang pamahalaan ng prebadong sektor, dahil sa kabila ng ibinuhos na milyon halaga, tila hindi sang-ayon ang ilan sa mga ito, sapagkat hindi rin mapipiglan ang pagbaha kapag may bagyo at malakas na ulan na bubuhos sa kanilang lugar.
 
At anila tila nagsasayang lamang ng pera ang pamahalaan pagdating sa mga flood control project. (froilan morallos)     

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *